Yan ang tagalog ng Ah-choo aka pagbahing. Kaya naman sa amin sa Marinduque, tawag din sa pagbahing ay paghaching.
Ang weird ng hapong ito. Uminom na nga ako ng Vitamin C kaninang tanghali. But no, may sariling mundo ang ilong ko na humigop ng sari-saring alikabok at dumi o kung anong virus. Kaya naman, ang pangit ng pakiramdam ko. Kanina pa ako bumabahing.
Ang masama nito, pag patuloy kasi akong bumabahing, kumakati rin yung lalamunan ko. At yun ang pinakaayaw ko. Yun lang kasi ang kating hindi mo makamot. Peste talaga. Parang kung pwede lang isuot yung daliri ko mula sa bibig papuntang lalamunan, gagawin ko.
Hindi ako makaconcentrate. Namen. Dami dami pang kailangan gawin. Pero heto, kailangan sumaglit akong mag-blog para ikwento ang kamalasang ito. (Wow, parang magagamot ako eh).
Magkakasakit pa yata ako. After kasi ng mga ganitong pangyayari, tuloy sipon/ubo ito. Oh shoot. 2nd outbreak na ba ng AH1N1 at naapektuhan na ako?
Owel. I'm back to working. Focus focus. Haha.

Current Location: at the back of the PM room.
Current Mood:
sick
Leave a comment